Kung di rin lang ikaw lyrics Zel Bautista / Don Gregorio / Gelo Cruz / Jem Manuel / Jet Danao

0
206
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa ‘ting dalawa
Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ang luluha sa umaga para sa ‘ting dalawa?
Bumibitaw dahil ‘di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba’ng sinisigaw?
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Haa…
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung ‘di rin tayo sa huli (Papayagan ba ng puso ko?)
Aawatin ba ang puso kong ibigin
Songwriters: Zel Bautista / Don Gregorio / Gelo Cruz / Jem Manuel / Jet Danao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here