Pauwi nako lyrics O.C. Dawgs Lyrics

0
120
Hey, miss na kita
Baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na ‘di ka na maghihintay at (‘Di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko (Ako’y pauwi na)
Baby, pauwi na’ko (Miss na miss na kita)
Baby, pauwi na’ko (Ako’y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko
Ayaw kong makita
Sa mga mata mo na nalulungkot ka
Kaya gumawa na ako ng paraan
Upang mapawi ang kalungkutan
Kaysa naman lagi kang nagkakaganyan
Ayo’ko naman na ikaw ay masaktan
Ramdam ko ang pakiramdam ng nahihirapan
Kaya naman ayaw ko nang iparamdam sa’yo
Malapit na ako
Konting oras na lang ay magsasama na tayo
Malapit na ako
Diyaan sa tabi mo
Konting tiis na lang, mahal
Mawawala na ang iyong lungkot
Sobrang saya na makakasama ka nang muli
Sa tagal nating hindi nagkita
Hinding-hindi na’ko aalis sa tabi mo
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pauwi na’ko
Hey, miss na kita
Baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na ‘di ka na maghihintay at (‘Di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko (Ako’y pauwi na)
Baby, pauwi na’ko (Miss na miss na kita)
Baby, pauwi na’ko (Ako’y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko
Pauwi na’ko
Pwede ba huwag ka na sa’kin magtampo
Dala-dala ko na ang kailangan mo
Miss na kita, ano ba kasalanan ko?
Gusto na kita makita
‘Wag ka na sa’kin magalit
Kasi baka lalo kang pumangit
Pero kahit magalit nang magalit
Sa’yo pa rin ako uuwi, hindi nila ako maaakit
Bakit ba palagi kang masungit sa’kin?
Baka pwede pang ayusin natin?
Mga pagtatalo natin minsan
Ay hindi nakakasawang unawain
Mahal kita, alam mo ‘yan
‘Di na ‘ko maghahanap pa ng iba
Basta ito ang laging tandaan
Ang pag-ibig ko ay para sa’yo lang
Pero bago ang lahat ako ay pauwi na
Sandali lang, huwag mo na’kong pagalitan
Dami kong namiss sa’yong mga kulitan nating dalawa
Na minsan tayo ay nagkapikunan
Mahirap pala ang malayo sa tulad mo
Isa ‘yan sa natutunan ko
Kaya mga pagkukulang ko ay pupunan ko
Ako na ulit ang unan mo
Hey, miss na kita
Baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na ‘di ka na maghihintay at (‘Di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko (Ako’y pauwi na)
Baby, pauwi na’ko (Miss na miss na kita)
Baby, pauwi na’ko (Ako’y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko
Papunta na’ko
Pasensya ka na kung napaghintay kita
Teka lang, sorry, papunta na’ko
Naiinip ka na ba?
Teka lang, malapit na’ko
May gusto ka bang ipasabay
Para mabili ko na dito
Para wala na sa’ting umabala
Sa oras natin gumambala
Tayo lang dalawa, walang iba
Maglalakbay hanggang sa tala
Ang sasakyan lang ay kama, pati ikaw
Kasi kapag ikaw ang kapiling
Alam ko na ‘di ako maliligaw
Nasasabik na’kong ikaw ay yakapin
Angkinin lahat ng akin
Walang segundong sasayangin
Yung tipong maya’t maya mong hahanapin
Ang aking lambing
Na sa iba ‘di mo pwedeng ihambing
‘Di ka na muling giginawin
Asahan mo ‘yan sa aking pagdating
Hey, miss na kita
Baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na ‘di ka na maghihintay at (‘Di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko (Ako’y pauwi na)
Baby, pauwi na’ko (Miss na miss na kita)
Baby, pauwi na’ko (Ako’y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko
Medyo matagal na rin tayong hindi nagkita
Kaya ngayon alam mo ba na miss na miss na kita
At ‘di ka na dapat pang malungkot, please, ngumiti ka
Sayo ako ay nananabik na, baby, ako’y pauwi na
‘Di mo na kailangan pa uli na mainip
Madadama mo na ulit ang mga halik
Mga yakapan na mahigpit, na may kadikit
Na pag-ibig na wala nang makakahigit (Na na na)
Talagang ‘di ko maipaliwanag
Napakasarap sa pakiramdam kasi (Kasi)
‘Di mo lang alam kung gano katagal
Na nag-abang para muli kang mahagkan
Kaya naman hindi na kita bibitawan
Kapag nahawakan na ulit kita
Alam mo ba na miss kita?
Kung natiis ka, peace na, at least ‘di ka inalis sa isipan
Napakatamis, ‘di ba?
Huwag kang mag-alala, ako’y malapit na
Huwag ka nang magalit pa
Parating na’ko, hayaan mo akong makabawi pa
Kaya sana ay kumapit ka
Hey, miss na kita
Baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na ‘di ka na maghihintay at (‘Di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko (Ako’y pauwi na)
Baby, pauwi na’ko (Miss na miss na kita)
Baby, pauwi na’ko (Ako’y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko
Pauwi na’ko, whoa oh
‘Di ka na malulungkot, yeah
Hindi ka na malulungkot, malapit na’ko
Baby, pauwi na’ko
Writers:-O.C. Dawgs Lyrics

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here